Uy, may paanyaya ang Rappler. Sumulat daw ng kuwento na iikot sa COVID-19. Daglî ang tawag nila rito sa maiikling kuwento na katumbas ng “flash fiction” sa Ingles. Karaniwan ay binubuo ito ng 200 hanggang 400 na salita.
Pero ang hirit nila, kailangan daw 19 salita lang ang dapat gamitin.
Basahin dito ang paanyaya at ilang kaalaman tungkol sa daglî.
Narito naman ang mga kuwento ko:

Frontliner
Ayun siya, nasa unang hanay ng depensa. Pagod, kapos sa panangga. Nanganganib tamaan ng corona. Nasaan na ang ayuda?

Practice lang
Knock, knock. Who’s there? Meyor. Meyor who?
Ako’y nagising. Nawala si Yorme pati isang sakong bigas sa panaginip ko.

Quarantine
Gising, ligo, almusal, linis, Facebook, TV, tanghalian, balita, sandaling idlip, kain, Netflix, TikTok, hapunan, palaisipan, dasal, tulog. Bukas uli.

Ambag?
Nagkulong sa lungga para iwas hawa. Sanlibo’t isang dasal na delubyo’y matapos na. Nag-alcohol, nag-distancing. May oras na nagmura.
Apat lang muna. Sana may kasunod pa.
(Photo credits: Rappler)
NOTE: My apologies to readers who do not speak nor understand Tagalog. This post demands that I express myself in my native tongue.